IBCTV13
www.ibctv13.com

Kamara, sineseryoso ang mga banta ni VP Sara Duterte sa First Couple at House Speaker

Jerson Robles
117
Views

[post_view_count]

(Screengrab from HOR)

Tiniyak ng mga miyembro ng Kamara na seryoso nilang tinututukan ang mga banta ni Vice President Sara Duterte laban kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Para kay Zambales Representative Jay Khonghun, ang mga pahayag ni VPSD ay maituturing na impeachable offense.

Nilinaw naman ng kongresista na hindi pa napag-uusapan sa Kamara ang pagpapaalis sa pwesto ng isang opisyal dahil abala sila sa kanilang mga trabaho.

“Pero kung tatanungin niyo rin ba ako kung napag-uusapan ba ito sa Kongreso, eh hindi pa namin ito napag-uusapan. Dahil abalang-abala din kaming lahat sa pag-attend ng meeting. At marami din kaming mga batas, mga ordinansa, mga panukalang batas na kailangan ayusin, lalong-lalo na naghahabol din kami dahil malapit na nga yung break,” saad ni Rep. Khongkun.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng House Blue Ribbon Committee sa isyu ng paggamit ng Office of the Vice President at Department of Education ng kanilang confidential funds kasabay ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa ginawang pagbabanta ni VPSD.

“Sa ngayon wala pa naman kaming napag-uusapan tungkol dyan. Basta kami po tinutuloy pa lamang po namin itong trabaho, kung ano po yung aming maa-unravel dito po sa Committee hearing na to,” sagot ni Manila Representative Joel Chua, tagapangulo ng House Blue Ribbon Committee.

Sa huli, binigyang-diin ng ilang kongresista na mahalaga ang pananagutan ng mga pampublikong opisyal sa kanilang mga pahayag at aksyon habang determinadong matuklasan ang katotohanan ukol sa di-umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan.

Related Articles