IBCTV13
www.ibctv13.com

Kamara, sisilipin ang ‘ghost’ farm-to-market roads, Manila Dolomite Beach sa pagbabalik-sesyon

Hecyl Brojan
144
Views

[post_view_count]

ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio asserted that rice and other product prices would decrease once corruption in farm-to-market road projects is eliminated. (Screengrab from PTV)

Naghain ng House Resolution No. 421 si ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio upang paimbestigahan ng Kamara ang umano’y mga “ghost” farm-to-market roads na pinondohan ngunit hindi naisakatuparan.

Sa ilalim ng resolusyon, hiniling ni Tinio na magsagawa ng joint investigation ang House Committees on Public Accounts at Agriculture and Food upang matukoy kung may iregularidad sa paggamit ng pondo para sa mga naturang proyekto.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na iuulat niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga natuklasang kahina-hinalang proyekto bilang tugon sa direktiba nito na ipa-audit ang lahat ng farm-to-market roads sa bansa.

“Isa sa mga sinasamantala ng trader ng mga middle man para pabagsakin ang presyo ng palay sa magsasaka ay yung logistics, ‘yung nasa malayong lugar ‘yung sakayan tapos mahirap dalhin sa palengke, ito ang sinasamantala para baratin ang mga magsasaka,” ani Tinio.

Samantala, nanawagan si Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando na palawakin pa ang imbestigasyon sa lahat ng proyektong pang-imprastraktura na posibleng pinakikinabangan ng katiwalian.

Bukod dito, inanunsyo ni House Public Accounts Committee Chair Terry Ridon na magsasagawa rin ng hiwalay na pagdinig ang Kamara sa mga isyung bumabalot sa Manila Dolomite Beach, gayundin sa panukalang bigyan ng kapangyarihan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magsagawa ng imbestigasyon at maglabas ng subpoena laban sa mga sangkot sa mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno. (Ulat mula kay Earl Tobias) –VC

Related Articles