IBCTV13
www.ibctv13.com

Kanlaon Volcano, muling nagbuga ng abo

Ivy Padilla
65
Views

[post_view_count]

Ash emissions from the Kanlaon Volcano summit crater recorded by the Kanlaon Volcano Observatory today, November 15. (Screengrab from Phivolcs)

Naglabas ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island sa pagitan ng 8:45 a.m. hanggang 10:02 a.m. ngayong Biyernes, Nobyembre 15.

Umabot sa 350 metrong taas ng abo ang inilabas ng bulkang ito na napadpad sa direksyon patungong kanluran.

Naitala rin sa bulkan ang 13 volcanic earthquakes batay sa 24 oras ng pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Bukod pa rito ang inilabas na 4,246 tonelada ng sulfur dioxide flux o asupre at 1,000 metrong taas ng makapal na abo na napadpad sa direksyon patungong hilagang-kanluran.

Patuloy naman na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong permanent danger zone (PDZ), gayundin ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng Kanlaon.

Kasalukuyang nakataas ang ang Alert Level 2 sa naturang bulkan. – AL

Related Articles