IBCTV13
www.ibctv13.com

Kanlaon Volcano, muling nagbuga ng abo – PHIVOLCS

Ivy Padilla
211
Views

[post_view_count]

Ash emission from the Kanlaon Volcano summit crater today, December 1. (Screengrab from PHIVOLCS)

Naglabas ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island bandang 9:20 a.m. hanggang 9:55 a.m. ngayong Linggo, Disyembre 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). 

Nagdulot ito ng ‘grayish plumes’ o usok na umabot sa 750 metrong taas at napadpad sa direksyong hilagang-silangan (NE).

Naitala rin sa bulkan ang limang (5) volcanic earthquakes at 4,287 tonelada ng asupre batay sa 24 oras na pagmamanman ng PHIVOLCS. 

Bukod pa ito sa 400 metrong taas ng makapal, walang-patid at panaka-nakang abo. 

Nananatili pa ring nakasailalim sa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano. 

Related Articles