IBCTV13
www.ibctv13.com

Kapayapaan sa Ukraine, hangad ni Pangulong Marcos Jr.

Ivy Padilla
95
Views

[post_view_count]

Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy arrived at the Malacañan Palace for a bilateral meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. on June 3, 2024. (Photo by PCO)

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakamtan ng Ukraine ang pangmatagalang kapayapaan sa kanyang mensahe sa paggunita ng ika-1000 araw mula nang mag-umpisa ang digmaan sa nasabing bansa.

“It is our hope that we will see comprehensive, just and lasting peace in Ukraine,” mensahe ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na isang ‘valued partner’ ng Pilipinas ang Ukraine kung saan patuloy pang tumatatag ang relasyon ng dalawang bansa.

Inaalala ng punong ehekutibo ang kanilang produktibong pagpupulong ni Ukraine President Volodymyr Zelensky noong Hunyo ngayong taon.

“I reiterated the PH’s unwavering support for Ukraine’s sovereignty, independence, unity and territorial integrity,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Umabot na sa 32 taon ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Ukraine na pormal itinatag noong Abril 7, 1992. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

42
Views

National

78
Views