Pinaplano ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtayo ng mas marami pang repacking facilities upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng sakuna gaya ng bagyo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, planong itayo ang bagong pasilidad sa Caraga Region, partikular sa Butuan, upang madaling maihatid ang tulong sa mga lugar sa Eastern seaboard ng Visayas at Mindanao na madalas tamaan ng bagyo.
“There are plans, part of the anticipatory actions to build one (repacking center), starting next year. So, we wanna make sure na bukod sa mga regional, provincial, municipal warehouse natin, ‘yung repacking center natin nakakalat rin dapat sa buong bansa. So, that’s something that we’re working on right now,” paliwanag ni Gatchalian.
“The site has been given to us by the city government of Butuan right beside the airport,” dagdag ng kalihim.
Sa kasalukuyan ay mayroon lamang dalawang repacking center ang bansa: Pasay hub — National Resource Operations Center — at ang Cebu hub na pangunahing naglilingkod sa Visayas at Mindanao. – IP