IBCTV13
www.ibctv13.com

Kontrata ng BSP sa supplier ng nat’l ID cards, terminated na

Alyssa Luciano
271
Views

[post_view_count]

Tinapos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata nito sa supplier ng national identification (ID) cards matapos bigong makapag-comply sa nakasaad na alituntunin sa kanilang naging kasunduan.

Sa isang pahayag, kinumpirma ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sinabing iginagalang ang desisyon ng BSP.

“The Philippine Statistics Authority (PSA) trusts the assessment and decision of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to terminate its contract with their supplier for the national ID card production,” bahagi ng pahayag ng PSA.

Tiniyak naman ng ahensya na isinasagawa na ang kinakailangang hakbangin para sa tuluy-tuloy na pagpapalabas ng national ID ng mga Pilipino.

Dagdag nito, maaari pang magamit ng mga rehistradong indibidwal ang kanilang national ID sa pamamagitan ng ePhilID na makukuha sa mga registration center pati na ang kalulunsad lamang na Digital National ID na mada-download sa link na ito: https://national-id.gov.ph.

Sa pinakahuling datos ng PSA noong Hulyo 2024, pumalo na sa 52,119,119 ang bilang ng mga National ID na naihatid sa mga rehistradong Pilipino. -VC

Related Articles