IBCTV13
www.ibctv13.com

Labor market ng Pilipinas, maganda ang pasok ngayong 2025 – NEDA

Ivy Padilla
54
Views

[post_view_count]

The Department of Labor and Employment conducted a job fair as part of its Project DAPAT. (Photo by JM Pineda, IBC 13)

Ipinangako ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang patuloy na pagsulong ng pamahalaan ng isang dinamiko at investment-friendly na ekonomiya habang pinalalakas ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino upang mapanatili ang magandang labor market ng Pilipinas. 

Ito ay kasunod ng magandang Labor Force Survey na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Enero ngayong taon, Huwebes, Marso 6. 

Batay sa report, bumaba sa 4.3% ang unemployment rate o bilang ng mga manggagawang Pilipino na walang trabaho mula sa 4.5% na naitala noong Enero 2024. 

Kasabay nitong bumaba ang underemployment o bilang ng mga manggagawang hindi nakatatanggap ng sapat na sweldo at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan mula 13.7% patungong 13.3%.

Ang labor force participation ay pumalo sa 63.9% ngayong taon mula sa 61.1% noong Enero 2024. 

Iniugnay ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan ang bumuting labor market sa pagpupursigi ng administrasyon na lumikha ng ‘business environment’.

“While we welcome this development, we also acknowledge that these additional jobs are classified as vulnerable. Therefore, our strategy remains clear: to sustain job creation by fostering a dynamic and investment-friendly economy while preparing our workforce for high-growth and emerging industries that offer high-quality, well-paying jobs,” saad ni Balisacan. – VC