IBCTV13
www.ibctv13.com

LandBank, bukas magpautang para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

Divine Paguntalan
773
Views

[post_view_count]

(Photo by Land Bank of the Philippines)

Inanunsyo ng Land Bank of the Philippines na maaaring makakuha ng tulong pinansyal ang mga Pilipinong nasalanta ng nagdaang bagyong Kristine sa pamamagitan ng Loan Program ng LandBank.

Maaaring makakuha ng tulong ang iba’t ibang sektor kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda, kooperatiba, electric distribution utilities at micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ilalim ng LandBank Community Assistance and REintegration Support (CARES) Plus upang makabawi mula sa napinsalang mga ari-arian.

“LandBank stands ready to provide accessible, responsive, and immediate financial assistance to sectors severely impacted by the typhoon. We are fully committed to doing our part in helping our kababayans and communities recover from this adversity while accelerating recovery efforts,” pahayag ni LandBank President at CEO Lynette Ortiz.

Para naman sa LandBank credit card holders, may alok din na “EasyCash for Emergency” kung saan pwedeng i-convert ang credit limits bilang emergency cash at maaaring bayaran ng hanggang 36 na buwan.

Ang eligible cardholders ay makakatanggap ng text message o email mula sa LandBank bilang kumpirmasyon ng kanilang eligibility bago pumunta sa bangko para sa cash conversion.

Samantala, bukas naman ang Electronic Salary Loan (eSL) para sa mga empleyado ng gobyerno at iba pang mga ahensya na gumagamit ng LandBank payroll services.

Kinakailangan lamang na i-contact ang kani-kanilang human resources departments o kaya naman ay bisitahin ang kanilang LandBank servicing branch.

Hinihikayat naman ng LandBank ang paggamit ng digital banking channels gaya ng LandBank Mobile Banking Application (MBA), iAccess, weAccess, Link.BizPortal at electronic Modified Disbursement System (eMDS) para sa mas madali at ligtas na transaksyon sa bangko. – VC

Related Articles