Mariing kinondena ng mga miyembro ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang aksyon at pahayag ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Itinuturing ng organisasyon na isang iresponsable at banta sa demokrasya gayundin sa rule of law ng bansa ang naging pagkilos ni VPSD dahil hindi lamang ang mga sangkot na opisyal ang nailalagay nito sa panganib kundi pati ang seguridad at kapayapaan ng buong bansa.
Sa inilabas na pahayag ng LCP, nagkaisa ang 149 miyembro ng organisasyon sa panawagan na itigil na ang ganitong ‘inflammatory rhetoric and personal attacks’ at panatilihin ang pagiging propesyunal para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
“We, the 149 members of the League of Cities of the Philippines, demand an immediate cessation of all inflammatory rhetoric and personal attacks. The use of public funds by the Vice President’s Office must be addressed in a manner befitting the gravity of public trust, not through accusations, name-calling, or divisive conduct,” bahagi ng pahayag ng LCP.
“We urge all parties involved to uphold the highest standards of professionalism, integrity, and respect, particularly among our government officials, who represent the Filipino people. The Filipino people deserve unity and decisive action, not unnecessary and harmful bickering,” dagdag ng organisasyon.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang LCP kay Pangulong Marcos Jr. pati na sa buong First Family.
Matatandaan nitong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 23, nagbitiw ng pagbabanta si Vice President Duterte sa buhay ng Pangulo at kina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa isang online media briefing. – VC