IBCTV13
www.ibctv13.com

Libreng serbisyong medikal, gamutan sa lahat ng pampublikong ospital, pinag-aaralan ng DOH

Divine Paguntalan
167
Views

[post_view_count]

DOH provides free check-ups to children. (Photo from DOH)

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng libreng serbisyong medikal sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa sa isang press conference na target ng ahensya na gawing libre ang 90% ng mga serbisyo sa ward at semi-private rooms ng DOH-run hospitals, partikular na para sa mga mahihirap na pasyente gaya ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Pinag-aaralan namin ngayon na lahat ng ward at semi-private, malibre na rin ang karamihan, nobenta porsiyento ng serbisyo. That means sagot na ng sin tax,” saad ni Herbosa.

Kasama sa plano ang pagpapatupad ng no-balance billing policy sa lahat ng DOH hospitals, kung saan hindi na kailangang magbayad ang mga pasyente ng dagdag na gastos sa kanilang gamutan.

Tiniyak din ng kalihim na nakikipagpulong na ito sa mga direktor ng mga ospital upang plantsahin ang mga detalye kung saan posibleng ilabas ang opisyal na anunsyo sa susunod na linggo.

Ang naturang inisyatiba ay bahagi lamang nang mas pinalawak na hakbang ng gobyerno para ilapit ang abot-kayang serbisyong medikal at maibsan ang gastusing direktang sinasalo ng mga pamilyang Pilipino. – VC

Related Articles