IBCTV13
www.ibctv13.com

Ligtas, napapanahong repatriation ng mga Pinoy sa Middle East, ipinag-utos ni PBBM

Ivy Padilla
341
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. held a zoom meeting during the ASEAN Summit in Lao PDR, urging government agencies to prepare for the safe return of Filipinos affected by the crisis in the Middle East. (Photo by PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno na gawin ang lahat ng makakaya para sa ligtas at napapanahong repatriation ng mga apektadong Pilipino sa kaguluhan sa Middle East.

Ibinaba ng Pangulo ang direktiba sa isang Zoom meeting habang nasa Laos para sa dinaluhang 44th at 45th ASEAN Summit at Related Summits nitong Miyerkules, Oktubre 9.

“We are now going to evacuate our people by whatever means – by air, or by sea,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

Bilang tugon, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na magsisimula ang repatriation sa oras na makuha nila ang mga kinakailangang exit clearance.

“We’re ready, willing and able [to repatriate Filipinos] at any time. We’re just waiting for the diplomatic clearances of the expatriates to be processed out of Beirut,” saad ni Teodoro.

Una nang tiniyak ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat kay Pangulong Marcos Jr. na patuloy ang kanilang hakbang para mapabilis ang pagpapauwi sa mga Pinoy.

Wala namang naitalang Pilipino na nasugatan o nasawi kasunod ng airstrikes na pinakawalan ng Israeli kamakailan.

As of October 8, iniulat ng Philippine Embassy in Beirut na nakatanggap sila ng kabuuang 1,721 aplikasyon para sa repatration kung saan nasa 511 na ang matagumpay na nakauwi sa bansa habang 171 ang nakahanda at naghihintay na lamang. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views