IBCTV13
www.ibctv13.com

Listahan ng TNVS drivers na makatatanggap ng cash assistance mula sa DSWD, inilabas ng LTFRB

Khengie Hallig
281
Views

[post_view_count]

Photo from JP Torralba

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) drivers na makatatanggap ng cash relief assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa darating na Martes, Marso 24.

Bahagi pa rin ito ng nagpapatuloy na suporta ng pamahalaan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD sa pakikipagtulungan ng LTFRB, para sa transport sector na direktang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga driver mula sa iba’t ibang Transport Network Company (TNC) providers kabilang na ang Grab, Utol, Toktok, Pure Ride, Maxim, Joyride, InDrive, Hirna, Go Cab, Angcars, Unlala, Hail, PeekUp, at Para Express.

Para sa listahan ng mga benepisyaryo, magtungo lamang sa link na ito: https://drive.google.com/drive/folders/1YIKtU4_iwuMXZ-6QPOwMqrIVeeHDYfI7

Magsisimula ang pamamahagi ng cash assistance ng 7:00 ng umaga sa mga sumusunod na payout sites:

Photo from LTFRB

Kinakailangan lamang dalhin ng mga benepisyaryo ang orihinal at photocopy ng kanilang Professional Driver’s License at magtungo sa itinakdang payout sites alinsunod sa nakatakda nilang iskedyul.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi pa kasama sa kasalukuyang listahan ang mga Motorcycle (MC) taxi at delivery riders at inaabisuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga susunod pang anunsyo hinggil sa pamamahagi ng nasabing ayuda. – VC