
Instant milyonaryo ang isang masuwerteng mananaya mula sa Cagayan matapos manalo ng tumataginting na P57,540,190.00 jackpot prize mula sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Biyernes, Abril 11.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 22 – 24 -28 – 5 – 7 – 25 mula sa kanyang ticket na nabili sa isang lotto outlet sa Barangay Tanza, Tuguegarao City.
Samantala, may 102 mananaya ang mag-uuwi ng tig-P32,000 matapos mahulaan ang limang maswerteng numero habang 3,100 mananaya naman ang nanalo ng tig-P1,000 para sa apat na tamang numero.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.