
Milyonaryo na ang isang masuwerteng mananaya mula sa Quezon City matapos magwagi ng tumataginting na P100,890,109.20 na jackpot prize mula sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Martes, Marso 18.
Nabili ng mananaya ang kanyang ticket sa isang lotto outlet sa loob ng isang kilalang mall sa North EDSA.
Masuwerteng nahulaan ng QC bettor ang winning combination na 19 – 02 – 21 – 13 – 16 – 22.
Samantala, may 85 mananaya naman ang mag-uuwi ng tig-P24,000 bilang second prize.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC