IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, namataan sa labas ng PAR; mababa ang tsansa maging bagyo – PAGASA

Ivy Padilla
172
Views

[post_view_count]

A Low Pressure area (LPA 6a) outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) as of 2:00 a.m. today, June 5. (Photo by PAGASA)

Isang low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes, Hunyo 5.

As of 3:00 a.m., huling nakita ang sama ng panahon sa layong 1,255 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Bagaman mababa ang tsansa na maging isang bagyo, magdadala ang trough o extension ng LPA ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa silangang bahagi ng Visayas at Northern Mindanao.

Samantala, mataas ang tsansa ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon bunsod naman ng epekto ng Southwest monsoon o Habagat.

Matatandaang nitong Miyerkules, Hunyo 4, ay idineklara ng PAGASA ang posibilidad na magkaroon ng isa hanggang dalawang bagyo sa loob ng PAR ngayong buwan ng Hunyo.

Pinapayuhan naman ang publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL