IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA, posibleng mabuo sa mga susunod na araw – PAGASA

Ivy Padilla
335
Views

[post_view_count]

Himawari satellite image as of 8:20 a.m. today, December 1. (Photo by PAGASA)

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mayroong mabuong low pressure area (LPA) sa kanluran ng Palawan o silangan ng Visayas sa mga susunod na araw. 

Paglilinaw ng PAGASA, hindi ito nakikitang magiging isang ganap na bagyo. 

As of 4:00 a.m. ngayong Linggo, Disyembre 1, walang namamataang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa weather bureau, tanging ang tatlong (3) weather systems pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa. 

Una na rito ang Northeast Monsoon o Amihan na magdadala ng malamig na panahon at maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Northern at Central Luzon.

Patuloy namang makakaapekto ang Shearline o pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Bicol Region, malaking bahagi ng Visayas at ilang bahagi ng MIMAROPA.

Samantala, umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa southern at western sections ng Mindanao na magdudulot ng maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. 

Inaabisuhan ang mga apektadong residente na mag-ingat mula sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa. 

Related Articles

National

Patricia Lopez

39
Views

National

Jerson Robles

49
Views

National

Divine Paguntalan

86
Views