Patuloy binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado, Oktubre 19.
As of 5:00 a.m., huli itong namataan sa layong 1,455 kilometro silangan ng Southeastern Luzon na may katamtamang tsansa na maging bagyo sa mga susunod na araw.
Asahan ang mataas na tsansa ng pag-ulan sa Southern at Western portion ng Mindanao, gayundin sa bahagi ng Palawan ngayong araw.
Ito ay dulot pa rin ng patuloy na epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o ang pagsasalubong ng hangin mula sa Northern at Southern Hemisphere.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi naman ng bansa, asahan ang maaliwalas na panahon na sasamahan ng panaka-nakang ulan dahil sa pag-iral ng Easterlies o hangin mula Karagatang Pasipiko.
Hinihikayat ang publiko sa mga apektadong lugar na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.