
Lumakas bilang Tropical Depression Isang ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 8:00 a.m. ngayong Biyernes, Agosto 22, huling namataan ang bagyo sa katubigang sakop ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito sa direksyong Westward sa bilis na 15 km/h, taglay ang lakas ng hangin na 55km/h at pagbugsong hanggang 75 km/h.
Samantala, isa pang bagong low pressure area (LPA 08f) ang nabuo sa labas ng PAR na nasa layong 1,116 km silangan ng Southeastern Mindanao.
Patuloy na hinihikayat ang publiko na manatiling alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL