
Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA 6h) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang 2:00 a.m. ngayong Biyernes, Hulyo 4, at pinangalanan bilang Tropical Depression Bising.
As of 5:00 a.m., huling namataan ang sentro ng bagyong Bising sa layong 200 km West Northwest ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ito sa direksyong Southwestward sa bilis na 20 km/h taglay ang lakas ng hangit na aabot sa 4 km/h at pagbugsong hanggang 55km/h.
Sa ngayon ay itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon.
Nakikitang kikilos ang bagyong Bising pakanluran sa susunod na 12 oras at inaasahang lalabas din ng PAR ngayong araw.
Gayunpaman, hindi inaalis ng weather bureau ang posibilidad na muli itong pumasok sa western boundary ng PAR sa Linggo, Hulyo 6, kung saan maaring itaas ang TCWS No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands.
Pagsapit din ng Sabado at Linggo ay inaasahang lalakas ang bagyong Bising bilang Tropical Storm habang kumikilos patungong Taiwan.
Hinihikayat ang publiko na manatiling alerto at nakaantabay sa lagay ng panahon upang makaiwas sa anumang banta ng panganib at sakuna. – AL