IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa loob ng PAR, may katamtamang tsansa na maging bagyo; papangalanang ‘Auring’

Ivy Padilla
207
Views

[post_view_count]

Mayroong ‘medium’ o katamtamang tsansa na lumakas bilang isang bagyo ang low pressure area (LPA 06a) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang 2:00 a.m., Biyernes, Hunyo 6, ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

As of 3:00 a.m., huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 945 km silangan ng Eastern Visayas.

Sakaling maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras, papangalanan itong ‘Auring’ na unang bagyo ngayong buwan ng Hunyo at taong 2025. 

Nakikitang gagalaw ito papunta sa bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas ngayong araw kung saan lalapit pa ito sa kalupaan pagsapit ng Sabado at Linggo. 

Paglilinaw ng PAGASA, pwede pang mabago ang magiging lagay ng panahon depende sa magiging galaw ng LPA. 

Samantala, makararanas ng mataas na tsansa ng pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region at MIMAROPA dulot pa rin ng Southwest Monsoon at trough ng LPA. 

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles