IBCTV13
www.ibctv13.com

LPA sa loob ng PAR, tuluyan nang nalusaw; Pag-ulan sa hapon, asahan sa buong bansa – PAGASA

Divine Paguntalan
393
Views

[post_view_count]

Satellite image of 4:00 a.m. weather forecast of PAGASA on October 9, 2024. (Screengrab from PAGASA)

Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules, Oktubre 9.

Bagaman wala ng sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), nakakaapekto naman ang North Easterlies surface wind flow sa Extreme Northern Luzon.

Samantala, binabantayan pa rin ng weather bureau ang tropical depression sa labas ng PAR na nasa layong 2,605 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon ngunit malabo nang pumasok sa bansa.

Maaliwalas naman ang panahon na mararanasan ngayong umaga sa buong bansa ngunit asahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang biglaang pag-ulan pagdating ng hapon o gabi bunsod ng thunderstorms.

Paalala naman ng weather bureau na manatiling alerto sa anumang pagbabago ng panahon. — VC

Related Articles