Isang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw, Oktubre 6.
Batay sa 4:00 p.m. Tropical Cyclone Formation Outlook ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 100 kilometro West Northwest ng Coron, Palawan.
Malabo itong maging isang Tropical Depression sa mga susunod na oras at araw.
Bukod dito, patuloy din ang pag-monitor ng weather bureau sa sama ng panahon sa labas ng PAR na nasa layong 2,525 kilometro East ng Northern Luzon.
Bagaman nasa labas ng bansa, mataas ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA sa mga susunod na oras at araw.
Patuloy hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC