IBCTV13
www.ibctv13.com

LRT-1 Cavite Extension, ‘milestone’ para sa transport system ng Pilipinas – PBBM

Ivy Padilla
62
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the inauguration of LRT-1 Cavite Extension Project – Phase 1 in Parañaque City today, November 15. (File Photo by Krizel Insigne, IBC News)

Maituturing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang ‘milestone’ para sa modernisasyon ng transport system ng Pilipinas ang inagurasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project (L1CE) Phase 1 sa Parañaque City ngayong Biyernes, Nobyembre 15.

Kasabay nito ay kinilala rin ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang ama at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na nagpasimula sa pagtatayo ng unang urban rail transit system sa Metro Manila.

“On this day, no one is happier than his son in seeing that his father’s foresight is being validated by another work that expands mass transit that he had built for the people that he loved,” mensahe ng Pangulo.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang lider sa mga naunang administrasyon na nagsulong ng L1CE project kabilang sina dating Pangulong Joseph Estrada, Pangulong Gloria Arroyo, Pangulong Benigno Aquino III at Pangulong Rodrigo Duterte.

“We owe this progress to the hard work and dedication of my predecessors; we must recognize their roles in helping making this dream a reality,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Nakatakdang maging operational ang phase 1 simula Sabado, Nobyembre 16, saklaw ang unang limang istasyon: Redemptorist-ASEANA, Manila International Airport Road, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos (dating Sucat).

Inaasahang makakapaghatid ito ng serbisyo sa 80,000 pasahero araw-araw at magpapaikli sa biyahe mula Baclaran, Pasay City at Bacoor, Cavite mula sa dating isang (1) oras at 10 minuto patungong 25 minuto na lamang.

Sa unang taon ng full operations nito, nakikitang maseserbisyuhan ng nasabing proyekto ang 300,000 pasahero at makakapagpagaan sa trapiko sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas, at Bacoor, Cavite.

“By serving commuters across southern Metro Manila, Cavite, neighboring areas, the whole project creates a smoother, more reliable mode of transport,” saad ng Pangulo.

Related Articles

National

Ivy Padilla

58
Views