IBCTV13
www.ibctv13.com

LTFRB, nagbabala vs. bus terminals, operators na sumusuway sa mga patakaran

Alyssa Luciano
68
Views

[post_view_count]

Senator Raffy Tulfo leads the inspection of bus terminals with LTFRB officials on October 28. (Photo by Sen. Raffy Tulfo)

Nagbabala ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility bus at terminal operators na hindi sumusunod sa alituntunin para sa terminal and public utility vehicles (PUVs).

Kamakailan nang nagsagawa ng inspeksyon ang LTFRB kasama si Senator Raffy Tulfo sa ilang mga terminal sa Metro Manila kung saan natuklasan ang maraming paglabag sa mga itinakdang alituntunin ng ahensya.

Kabilang dito ang pangongolekta ng bayad sa mga comfort room sa terminal, kawalan ng mga fire extinguisher sa bawat bus unit, pati paggamit ng lumang gulong.

“We strongly warn all terminal operators to comply with these requirements to avoid penalties,” saad ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III.

Paalala ni Guadiz sa mga operator ng terminal at PUV, dapat sumunod sa mga requirement tulad ng pagkakaroon ng global navigation satellite system (GNSS); closed-circuit television (CCTV) na kayang makapag-record ng 72 oras na operasyon; pagkakaroon ng fire extinguisher; libreng paggamit sa sanitary facilities ng mga terminal station; stop over, na standard para sa Land Transportation Facilities; pati na ang pagpapasa ng aprubadong security plan.

Binigyang-diin ni Guadiz na hindi pinapayagan ang paniningil bago gumamit ng sanitary facility, at kinakailangan din ng mga bus terminal na magkaroon ng priority o express lane at maglagay ng diaper changing tables sa mga banyo sa terminal.

“The terminal requirements must be strictly followed in order to provide our passengers a reliable, safe, accessible, environment-friendly, dependable, efficient, and comfortable public transportation throughout the country,” paliwanag ni Guadiz.

Tiniyak naman ni Guadiz na mapaparusahan ang mga terminal operator na pinapayagan ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa kanilang pasilidad.

“Any PUB and Terminal operators that fail to comply with the above requirements shall be subject to the penalties provided by the circulars covering the above requirement, or under Joint Administrative Order No. 2014-01, or as may be determined by the Board” saad ni Guadiz. – VC