IBCTV13
www.ibctv13.com

Maaliwalas na panahon, asahan sa bansa ngayong araw – PAGASA

Ivy Padilla
72
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC News

Walang namamataang low pressure area (LPA) o tropical cyclones ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes, Nobyembre 22.

Tanging Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon area habang patuloy na umiiral ang Easterlies o hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean sa natitirang bahagi ng bansa.

Ayon sa forecast ng PAGASA, mayroon pa ring posibilidad ng maulap na kalangitan na may kasamang pabugsu-bugsong ulan sa Extreme Northern Luzon partikular na sa Batanes at Babuyan Islands.

Posible ring makaranas ng makulimlim na kaulapan at pag-ulan sa Eastern Visayas at silangang bahagi ng Mindanao dahil sa kumpol ng mga ulap.

Gayunpaman, asahan ang maaliwalas na panahon sa bansa maliban na lamang sa biglaan at mahihinang pag-ulan dala ng thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Patuloy namang hinihikayat ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles