IBCTV13
www.ibctv13.com

Maaliwalas na panahon, asahan sa Metro Manila ngayong araw; ITCZ magpapaulan sa Mindanao

Divine Paguntalan
80
Views

[post_view_count]

(Photo by Divine Paguntalan, IBC News)

Nananatiling maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at sa malaking bahagi ng bansa dahil walang binabantayan na anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR), batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bagaman maganda ang panahon sa umaga ay posibleng makaranas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang panaka-nakang pag-ulan sa hapon o gabi dala ng localized thunderstorms.

Samantala, asahan ang pag-ulan sa Mindanao at Eastern Visayas bunsod ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Magdadala namang ang Northeast Monsoon o Amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang pabugsu-bugsong ulan ang mararanasan sa Extreme Northern Luzon partikular sa Batanes, Apayao at Cagayan.

Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. – AL