iyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang silangan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental bandang 5:26 a.m. ngayong Miyerkules, Disyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
May lalim na 44 kilometro ang lindol mula sa focus habang tectonic naman ang pinagmulan nito.
Wala namang inaasahang aftershock at pinsala mula sa nasabing pagyanig.
Gayunpaman, ibayong pag-iingat ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente sa lugar. – AL