IBCTV13
www.ibctv13.com

Mahihinang LPA, posibleng mabuo sa silangang bahagi ng bansa -PAGASA

Ivy Padilla
665
Views

[post_view_count]

Walang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw, batay sa latest satellite animation ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Oktubre 11.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang ginagawang pagbabantay sa posibleng formation ng ‘shallow circulations’ o mahihinang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa.

Samantala, nararamdaman naman ang epekto ng Northeasterly Windflow na siyang nagdadala ng minsanang malalakas na pag-ulan sa Northern Luzon habang patuloy nakakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa ang Localized Thunderstorms.

Patuloy hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. -VC