IBCTV13
www.ibctv13.com

Maigting na pagtutok ng pamahalaan sa naaapektuhan ng mga bagyo, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
167
Views

[post_view_count]

Marine Battalion Landing Team-10 conducted rescue operations in Cagayan. (Photo by Armed Forces of the Philippines)

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang humpay ang pagkilos ng lahat ng concerned government agencies at local government units (LGUs) upang makapaghatid ng tulong sa nasalanta ng mga nagdaang bagyo at maibigay agad ang iba pang pangangailangan bilang paghahanda sa paparating pang kalamidad.

Sa ulat ng Pangulo, naka-deploy na ang lahat ng response team para magsagawa ng road clearing operations, mag-rescue ng mga stranded na residente at maghatid ng assistance sa mga higit na naapektuhan na komunidad.

“Kahit na may bagyo, kahit na malakas ang hangin nasa labas sila dahil kaya pa naman. Kaya pa naman daw. They can still work to clear trees that fell. ‘Yung mga poste na nahulog para may daanan ang mga relief goods natin,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Bagaman humina na ang Severe Tropical Storm (STS) Nika sa hilagang Luzon, nararanasan pa rin ang mga pag-ulan na may kasamang malakas na hangin kaya naman nanawagan ang Pangulo sa mga Pilipino na makinig at sumunod sa LGUs kung kinakailangan nang mag-evacuate o kaya naman ay huwag muna bumalik sa kani-kanilang tirahan hangga’t hindi pa ligtas sa kanilang lugar.

“As soon as the government can come in, we will come in. Your local government is there – is ready to be the first responders as they always are and the national government will come in as soon as we can,” dagdag ng Pangulo.

Samantala, nakaantabay na rin ang pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa mga inaasahang bagyo na tatama sa bansa ngayong araw hanggang sa susunod na linggo. – VC

Related Articles