Muling nagbuga ng makapal sa usok ang Bulkang Taal bandang 6:20 a.m. ngayong Biyernes, Oktubre 11.
Batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagtala ang bulkan ng isang maliit na phreatic eruption na tumagal ng anim (6) na minuto.
Naglabas din ito ng 2,256 toneladang asupre na may upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa at nagdulot ng vog.
May taas na 2,800 metro naman ang ibinugang abo na maituturing na malakas na pagsingaw at napadpad sa direksyong hilagang-silangan at timog-kanluran.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang naturang bulkan. -VC