IBCTV13
www.ibctv13.com

Malacañang, nagpatupad ng Cabinet reshuffle kasunod ng flood control controversy

Hecyl Brojan
59
Views

[post_view_count]

Former Executive Secretary Lucas Bersamin (Photo from SOP); Former Budget Secretary Amenah Pangandaman (Photo from DBM); Former ASec. Adrian Carlos Bersamin (Photo from PIA); Newly appointed Finance Secretary Frederick Go (Photo from Frederick Go); DBM Assistant Secretary Rolando Toledo (Photo from PNA) and Executive Secretary Ralph Recto (Photo from Radyo Pilipinas).

Nagpatupad ng major reshuffle ang Malacañang matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbitiw sa puwesto nina outgoing Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at PLLO Head Adrian Bersamin nitong Lunes, Nobyembre 17.

Nilinaw ng Palasyo na kusang nagbitiw ang mga opisyal “out of delicadeza” nang maiugnay ang kanilang mga tanggapan sa kontrobersiyang may kinalaman sa flood control project sa bansa.

“Both officials respectfully offered and tendered their resignations out of delicadesa. After their departments were mentioned in allegations related to the flood control anomaly,” ayon sa Palasyo.

Ipinaliwanag ni PCO Undersecretary Palace Press Officer Claire Castro na ang pagbibitiw ay para bigyang-daan ang isang malaya at patas na imbestigasyon patungkol sa isyu.

Kasunod nito, itinalaga si Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary, na inaasahang mamumuno sa pang-araw-araw na operasyon ng gobyerno at pagsasakatuparan ng high-impact programs.
“Executive Secretary. Secretary Recto’s long record in economic policymaking, fiscal legislation, and national planning positions him well to oversee the day-to-day operations of government and coordinate the implementation of high-impact programs,” ani Castro.

Nagpasalamat naman si Recto sa Pangulo at tiniyak na tututukan niya ang governance at performance monitoring ng bawat ahensya.

Si Usec Rolando Toledo naman ang uupo bilang Officer in Charge (OIC) ng Department of Budget and Management (DBM), habang si Frederick Go ang bagong itinalagang Kalihim ng Department of Finance (DOF).


Ayon sa Palasyo, layon ng reorganisasyon na patatagin ang mga institusyon at mapanatili ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo-publiko sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng bansa. (Ulat mula kay Eugene Fernandez, IBC News) –VC

Related Articles

National

Joann Villanueva, Philippine News Agency

102
Views

National

Christopher Lloyd Caliwan, Philippine News Agency

227
Views