Binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na walang impeachment complaint na susuportahan ang Office of the President, kasunod ng inihain ng ilang grupo laban kay Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Disyembre 2.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Bersamin na ‘independent initiative’ ang paghahain ng complaint ng mga pribadong mamamayan laban sa bise presidente.
“The impeachment complaint filed in the House of Representatives by several private citizens is clearly the complainants’ independent initiative, and its endorsement the prerogative of any Member of the House of Representatives,” pahayag ni Bersamin.
“The Office of the President has nothing to do with it,” dagdag niya.
Nanindigan si Bersamin na malinaw ang inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala itong anumang susuportahang grupo para sa impeachment ni VP Duterte.
“This is not important. This does not make any difference to even one single Filipino life. So, why waste time on this?,” sagot ni Pangulong Marcos Jr. sa isang media interview kaugnay sa kanyang posisyon ukol sa pagsusulong ng impeachment laban kay VP Duterte. – VC