IBCTV13
www.ibctv13.com

Malaking paglago sa savings, shelter financing, tagumpay ng Pag-IBIG sa Q3 ng 2024

Divine Paguntalan
121
Views

[post_view_count]

Pag-IBIG Fund service in a local government caravan in Cebu. (Photo by Cebu Provincial Government)

Naabot ng Pag-IBIG Fund ang isang malaking milestone para sa ahensya kung saan nalampasan nila ang P1-trilyon na halaga ng total assets noong Agosto.

Ibinahagi ng home development mutual fund sa isang Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) ang paglago sa bilang ng kanilang aktibong miyembro na umabot na sa 16.37-milyon o katumbas ng P98.72-bilyong halaga ng savings plan na maaaring mapakinabangan ng mga Pilipino.

Bahagi rin ng tagumpay ng Pag-IBIG ang pag-apruba sa higit dalawang (2) milyong borrower sa ilalim ng Multi-Purpose Loan application na nagkakahalaga ng P49.72 bilyon mula Enero hanggang Setyembre 2024, mas mataas ng 16% sa kaparehong panahon noong 2023.

Nakapagpalabas din ang ahensya ng P5.92 bilyong halaga ng calamity loan para naman sa mga miyembro nito na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo kamakailan kasabay ang pagpapatupad ng isang buwan na moratorium sa pagbabayad ng housing loans.

Ang hakbang na ito ay nagbibigay-daan sa mga miyembro na gawing prayoridad ang kanilang mga pangangailangan at matulungan silang makabangon mula sa epekto ng bagyo.

Tiniyak naman ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na patuloy isusulong ang “transparency and engagement” sa kanilang mga miyembro, na siyang mga tunay na may-ari ng pondo.

“Our accomplishments this year underscore our dedication to serving the financial needs of Filipinos across the country. Participating in the PIA’s Kapihan sa Bagong Pilipinas serves as a good opportunity for us to directly engage with our members and inform them how Pag-IBIG Fund is working towards a stronger financial institution,” bahagi ng mensahe ni Acosta.

“After all, our members are the true owners of the Fund. It is just proper that they know how their savings are used and how effectively managing Pag-IBIG’s finances will result in their benefit through dividends and returns on their savings” dagdag niya. – VC

Related Articles