IBCTV13
www.ibctv13.com

Malalimang pagtutok sa Comprehensive Sexuality Education, tiniyak ng DepEd

Divine Paguntalan
85
Views

[post_view_count]

(IBC 13 File Photo)

Nanindigan si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na mahalaga ang papel ng kagawaran sa pagtuturo ng tamang pag-uugali at iba pang life skills sa mga kabataan.

Kabilang sa pangunahing isyung tinututukan ng DepEd ang teenage pregnancy, HIV at gender-based violence kung saan layon ng ahensya ang maayos at balanseng pagpapatupad ng mga programa ukol dito, sa tulong na rin ng iba’t ibang sektor at concerned agencies.

Ipinaliwanag ng Kalihim na mula pa noong siya ay senador hanggang ngayon ay sinusubukan na ng pamahalaan ang pagkakaroon ng proactive steps upang matugunan ang tumataas na teenage pregnancy sa bansa gayundin sa kaso ng mga naaapektuhan ng Sexually Transmitted Diseases (STDs).

Kaugnay nito, tiniyak ni Angara na bukas ang DepEd sa mga kritisismo mula sa publiko, lalo na sa mga isyung kaugnay ng Comprehensive Sexuality Education (CSE).

“Nakikinig kami—noon bilang Senador at hanggang ngayon bilang inyong Kalihim. Bukas ang pintuan ng DepEd para sa inyong pahayag at mungkahi, lalo na kung may tiyak na detalye,” pahayag ni Secretary Angara.

Sa ilalim ng mandato ng kagawaran, nakikipag-ugnayan sila sa mga stakeholder tulad ng health service providers at community organizations upang masigurong epektibo at culturally sensitive ang bawat programa. – VC

Related Articles