IBCTV13
www.ibctv13.com

Mananaya, wagi ng P97.8-M jackpot sa Super Lotto 6/49

Hecyl Brojan
170
Views

[post_view_count]

Solong mauuwi ng isang maswerteng mananaya ang tumataginting na P97,897,380.40 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Huwebes, Hunyo 26.

Nahulaan ng mananaya ang winning numbers na 25 – 8 – 5 – 27 – 18 – 16.

Samantala, wala namang nakakuha sa P9,056,625.00 jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola sa kaparehong petsa.

Ito ay winning combination na 25 – 2 – 23 – 18 – 5 – 24.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – IP