IBCTV13
www.ibctv13.com

Marcos Jr. admin, handa sa pagtugon sa epekto ng Super Typhoon Pepito

Ivy Padilla
333
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited Naga City on October 26. (Photo by PCO)

Tiniyak ni Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno na nakahanda ang pwersa ng pamahalaan para sa rescue and relief operations bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghanda sa ‘worst-case scenario’ bunsod ng Super Typhoon Pepito. 

Naka-standby na ang 1,282 search, rescue and retrieval (SRR) teams sa iba’t ibang bahagi ng bansa na binubuo ng mga tauhan ng Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP).

“Sa kabuuan niyan, mayroon tayong 13,857 personnel dedicated dito sa ating sunud-sunod na bagyo,” saad ni OCD Usec. Nepomuceno. 

Kabilang sa binabantayan ng SRR teams ang Regions V, VIII, III, II, I at Cordillera Administrative Region (CAR). 

Tiniyak ng opisyal na kumpleto ang air assets ng PAF na gagamitin sa relief and rescue operations habang naka-standby na rin ang Navy ships ng PCG para sa iba pang operasyon. 

Patuloy din ang pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa rubber boat inventory kung saan nasa 173 rubber boats na ang inilaan para sa mga apektadong lugar.

“Ulitin ko, importante ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan dahil sila ang nandoon sa lugar talaga,  doon sa kritikal na mga unang oras habang nandiyan iyong malakas na bagyo. Kaya’t ang responsibilidad ng national government ay dagdagan lang ang kanilang kakayanan o iyong augmentation or reinforcement,” pagbibigay-diin ni Nepomuceno. 

Binanggit din ni Nepomuceno na patuloy ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng pag-apaw ng Marikina River na maaaring magdulot ng pagbaha sa Quezon City, Pasig, Araneta Avenue, Manila, at Manila-Cavite border. 

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

85
Views

National

Divine Paguntalan

87
Views