IBCTV13
www.ibctv13.com

Marcos Jr. admin, hindi magpapatinag sa panawagan na kudeta ni FPRRD sa AFP – Malacañang

Divine Paguntalan
223
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. and Executive Secretary Lucas Bersamin (Photo by PCO)

Naglabas ng pahayag ang Office of the Executive Secretary kaugnay ng naging panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pahayag ni ES Lucas Bersamin, tinawag niyang ‘nakakagulat’ at ‘garapalan’ ang panawagan ni FPRRD para lamang sa umano’y personal na interes na mailuklok ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo.

“Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,” pahayag ni Bersamin.

“No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over. And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed,” dagdag niya.

Tiniyak ni Bersamin na mananatili ang pamamalakad ng administrasyon nang nakaayon sa Saligang Batas at Rule of Law habang handa ang pamahalaan na harapin ang anumang iligal na pagtatangka sa pamamagitan ng makatuwiran at ligal na paraan para sa kapakanan ng mga Pilipino at ng buong bansa.

Binigyang-diin niya na hindi kailanman magiging tama at katanggap-tanggap ang pag-agaw sa kapangyarihan sa marahas na pamamaraan.

Sa halip, pinaalalahanan ni Bersamin ang kampo ni FPRRD na hintayin ang kanilang panahon at gawin ang tamang proseso.

“Hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa,” saad ni Bersamin.

“Maghintay kayo sa tamang panahon, sumunod sa tamang pamamaraan,” dagdag niya. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

93
Views

National

Ivy Padilla

102
Views

National

Ivy Padilla

278
Views