IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Maria Clara’ exit sa Skyway Stage 3, binuksan na – SMC

Ivy Padilla
235
Views

[post_view_count]

Operasyonal na simula alas-6 ng umaga ngayong Sabado, Disyembre 28, ang bagong Quezon Avenue extension (Maria Clara) northbound exit sa Skyway Stage 3, ayon sa anunsyo ng San Miguel Corporation (SMC).

Itinaon ang pagbubukas nito para sa inaasahang pagtaas ng bilang ng byahe ngayong long weekend hanggang sa selebrasyon ng Bagong Taon.

“We’re opening the Maria Clara exit just in time for the last long weekend of the year, when many of our countrymen are traveling for New Year’s celebrations. This exit has been long-awaited by our motorists in Quezon City, who now have a convenient alternative,” saad ni SMC Chairman at CEO Ramon S. Ang.

Nilinaw ni Ang na walang karagdagang bayad ang Maria Clara exit at kapareho lamang ang magiging toll rate nito sa northbound exit ng Quezon Avenue.

“We are grateful to the Toll Regulatory Board (TRB) for their support and close coordination with our operations team to open the Maria Clara exit for the benefit of the motoring public,” ani Ang.

Nitong Biyernes, Disyembre 27, nang isyuhan ng TRB ng ‘interim permit’ ang SMC para sa operasyon ng Maria Clara exit matapos maipasa ang mga kinakailangang requirement.

Tiniyak naman ni Ang na patuloy ang pagtatrabho ng toll operations team ng kumpanya para sa mga iba pang tinukoy na requirement ng TRB.

“Our team is working double-time to comply with the remaining requirements. Meanwhile, we are deploying patrollers and road safety personnel to guide motorists using the new exit,” pagtitiyak nito.

Inaasahang makatutulong ang pagbubukas ng nasabing daan para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa mga motoristang magtutungo sa Quezon City.