IBCTV13
www.ibctv13.com

Mary Jane Veloso, ililipat na ng kulungan sa Pilipinas — PBBM

Divine Paguntalan
121
Views

[post_view_count]

Mary Jane Veloso (Photo by International Commission of Jurists)

Malaki ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamahalaan ng Indonesia kaugnay sa pahintulot nitong ilipat na ng kulungan sa Pilipinas ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.

Ayon sa Pangulo, bunga ito ng magandang diplomatikong samahan at matagumpay na konsultasyon sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill. This outcome is a reflection of the depth [of] our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion. Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home,” dagdag niya.

Matatandaan noong 42nd ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia noong 2023, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang maigting na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Indonesia upang mapababa ang penalty ni Veloso at pabalikin na sa bansa para dito na pagsilbihan ang kanyang sentensya.

Mula 2010 nang mahuli si Veloso sa Adisucipto International Airport matapos makumpiska mula sa kanya ang aabot sa 2.6 kilogram ng heroin na naging sanhi ng kanyang pagkakakulong sa Indonesia para sa kasong drug trafficking at sentensyang bitay. – AL

Related Articles

National

54
Views

National

Divine Paguntalan

46
Views