IBCTV13
www.ibctv13.com

Mas maraming pamumuhunan, asahan na sa Northern Mindanao dahil sa nilagdaang PPP para sa Laguindingan Airport

Alyssa Luciano
282
Views

[post_view_count]

Aboitiz InfraCapital’s visualized plan for Laguindingan Airport at Misamis Oriental (Screengrab from RTVM)

Nakikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas mapapalakas ng nilagdaang Public Private Partnership (PPP) Project Concession Agreement para sa modernisasyon at rehabilitasyon ng Laguindingan International Airport ang mga pamumuhunan pati na ang kalakalan sa Northern Mindanao.

Sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglagda ng PPP sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Aboitiz InfraCapital ngayong Lunes, Oktubre 28.

Layon ng PPP na ito na mas gawing maayos at mapaganda pa ang mga pasilidad ng paliparan para sa traveling experience ng mga pasaherong babiyahe rito habang pinabubuti rin ang lagay ng turismo at trabaho sa rehiyon.

“Expectedly, the improvement of the airport will significantly boost tourism, create jobs, increase business presence, and ultimately aid in achieving our goal of economic growth,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Pangungunahan ng Aboitiz InfraCapital ang halagang P12.75 billion na proyekto kasabay ng operasyon pati na ang maintenance ng Laguindingan Airport sa loob ng mahigit 30 taon.

Kabilang sa mga isasaayos ng Aboitiz InfraCapital ay ang reconfiguration ng mga terminal space ng paliparan na nakikitang makatutulong sa pagpapabuti sa kapasidad ng paliparan pati na ang pagbuo sa bagong Passenger Terminal Building (PTB).

Inaasahan na papalo sa 6.3 milyong mga pasahero kada taon ang maseserbisyuhan ng naturang paliparan sa oras na matapos na ang mga upgrade na isasagawa rito. – VC

Related Articles