IBCTV13
www.ibctv13.com

Masayang pasko ngayong taon, pangako ni PBBM sa bawat Pilipino

Divine Paguntalan
387
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. personally distributed gifts to the survivors of sexual abuse in Marillac Hills and Haven for Women in Muntinlupa City. (Photo by PCO)

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang masayang pasko pa rin ang mararanasan ng mga Pilipino ngayong taon sa kabila ng mga dumaang hamon sa bansa.

Sa isang gift-giving event na ginanap ngayong araw sa Muntinlupa City, tiniyak niya na patuloy ang pagkilos ng pamahalaan upang maihatid ang kinakailangang tulong na ayuda at iba pang regalo para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo gayundin ang mga nasunugan sa Tondo, Manila kamakailan.

“Kahit na tinamaan tayo ng kung anu-anong bagyo, kahit na nasunugan ang mga iba’t ibang lugar, kahit papaano tiyakin natin [na] tayong lahat, lahat ng Pilipino, lalo na itong mga maliliit, itong mga bata, ay makaramdam ng Pasko,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

“Basta kami sa pamahalaan titiyakin namin lahat ng Pilipino ay may merry Christmas ngayong 2024,” dagdag niya.

Nagtungo ang Pangulo sa Marillac Hills at Haven for Women upang mamahagi ng maagang regalo at assistance gaya ng bigas, food packs, gamot, hygiene kits at mga gamit pang sanggol para sa mga bata at matatanda na survivor mula sa sexual abuse at exploitation.

Sa ngayon, aabot na sa 1,837 kabataan ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa special protection, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. – VC

Related Articles