IBCTV13
www.ibctv13.com

Maynilad IPO, malaking tulong para sa ekonomiya ng bansa – PBBM

Hecyl Brojan
86
Views

[post_view_count]

Maynilad Water Services, Inc. is now officially listed on the Philippine Stock Exchange under the stock symbol MYNLD as of November 7, 2025, marking the country’s largest IPO this year and the biggest water utility IPO in Southeast Asia. (Photo from PCO)

Itinuturing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang mahalagang hakbang para sa sektor ng tubig at pamumuhunan sa Pilipinas ang pagiging bahagi ng Maynilad Water Services Inc. sa Philippine Stock Exchange sa pamamagitan ng Initial Public Offering (IPO).

Ayon sa Pangulo, ang hakbang na ito ay sumisimbolo ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa merkado ng bansa at nagpapalawak ng transparency at pananagutan sa pamamahala ng mga pangunahing serbisyo tulad ng tubig.

“We mark today a milestone for our country’s water sector, our stock market, and for our economy. The listing of Maynilad Water Services on the Philippine Stock Exchange is a sign of confidence in our markets and in our people.” aniya.

Nakalikom ang Maynilad ng P34.3 bilyon mula sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan, kabilang ang International Finance Corporation, Asian Development Bank, at iba pang institusyon mula sa mga bansang UK, Malaysia, at Singapore.

Pinuri rin ng Pangulo ang mga inisyatiba ng Maynilad para sa climate-resilient water system, paggamit ng renewable energy, at proteksyon ng watershed areas, na tumutugon sa layunin ng pamahalaan na magtayo ng matatag at responsableng ekonomiya.

Ang Maynilad IPO ang pinakamalaking stock listing ngayong taong 2025 at ikalawang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa, na nagpapakita ng patuloy na pag-angat ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Bagong Pilipinas. (Ulat mula kay Eugene Fernandez, IBC News) – IP

Related Articles

National

Ma. Teresa Montemayor, Philippine News Agency

72
Views

National

Wilnard Bacelonia, Philippine News Agency

108
Views