IBCTV13
www.ibctv13.com

Metro Manila, mainland Luzon, itinaas na sa Signal No. 1

Alyssa Luciano
1445
Views

[post_view_count]

Photo by Michael Peronce, IBC-13

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #1 sa Metro Manila at buong mainland Luzon dahil sa posibleng malakas na ulan na dala ng Tropical Storm Kristine.

As of 11:00 a.m. ay nananatili sa kategoryang Tropical Storm ang bagyong #KristinePH habang binabaybay ang Philippine Sea sa silangan ng Bicol Region.

Huli itong namataan sa layong 335 km mula sa silangan ng Virac Catanduanes, taglay ang hanging may lakas na 65 kilometer per hour, pagbugsong aabot sa 80 km/h habang kumikilos patungong west northwest sa bilis na 10 km/h.

Dahil dito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Catanduanes, at Signal No. 1 naman sa mga bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nagbabadya itong tumama sa Isabela o northern Aurora bukas ng gabi, Oktubre 23 o sa Huwebes ng umaga, Oktubre 24, bago tuluyang baybayin ang Northern Luzon.

Inaasahan din na lalakas pa ito bilang isang severe tropical storm (STS) bago ito mag-landfall sa bahagi ng bansa.

Related Articles