IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga numerong nagpakita sa panaginip ng isang fruit vendor, tumama ng P16-M jackpot sa Mega Lotto 6/45

Ivy Padilla
128
Views

[post_view_count]


A fruit vendor won P16 million in Mega Lotto 6/45 jackpot draw last January 10, 2025. (Photo by PCSO)

Isang fruit vendor ang wagi ng tumataginting na P16,186,700.00 na jackpot prize matapos tumama ang mga numerong napanaginipan sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 10, 2025.

Ayon sa pahayag ng PCSO, maswerteng nahulaan ng mananaya ang winning digits na 12-33-32-17-08-11, na binanggit umano ng kanyang yumaong asawa sa panaginip.

Dahil sa pag-asang baka manalo, itinaya niya agad ito sa malapit na lotto outlet kinabukasan.

Bagaman tila naging madali ang pagtama sa lotto, ibinahagi ng lucky winner ang hirap na naranasan sa buhay matapos mawalan ng malaking puhunan nang mabulok ang isang batch ng bentang mga prutas.

“Napakaraming pagsubok na po ang hinarap ko sa buhay at lahat mabibigat. Hindi ko akalain na magkakaroon pa rin po ako ng pag-asa sa ganitong edad ko po,” pahayag ng lone bettor.

“Wala po akong ibang nararamdaman ngayon kundi puno ng pasasalamat sa Panginoon at sa inyo PCSO,” dagdag niya. – VC