IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga rescuer mula sa Tuguegarao City, nagkakasakit na

Alyssa Luciano
141
Views

[post_view_count]

Rescuers in Cagayan continue their operations to help residents in need. (Photo by CDRRMO-Enrile)

Maging ang mga rescuer mula sa Tuguegarao City sa Cagayan ay hindi rin nakaligtas sa sakit kung saan ilan sa mga rumesponde sa kasagsagan ng mga nakalipas na bagyo ang nakaranas ng fatigue ayon sa City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO).

Ayon kay Tuguegarao City DRRMO Head Dr. Roderick Ramirez, ilan sa mga rescuer ng kanilang siyudad ang hindi na maganda ang pakiramdam dahil sa tuluy-tuloy na pagkababad sa tubig at pagkabasa sa ulan dahil sa pagresponde sa mga residente.

“Kung sabi nga na ano nagkakaroon na tayo ng typhoon fatigue, meron na din tayong rescue fatigue, nagkakasakit na rin ang mga tao namin, kasi babad na rin mga yan. Ilang beses na sa gabi naglilikas ng mga taong ayaw magpalikas, nauulanan sila,” paliwanag ni Ramirez.

Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng agarang paglikas ng mga residenteng apektado upang hindi na pabalik-balik ang mga rescuer.

Ngayong may dalawang bagyong nagbabadyang dumaan muli sa kanilang lungsod, nag-abiso pa si Ramirez na kung maaari ay huwag na munang pabalikin ang mga bakwit sa kanilang tahanan dahil sa posibleng pagbaha lalo pa at mataas pa rin ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge kung saan umabot na sa 10.8 meters (m) as of 1:30 p.m. ngayong Miyerkules.

Hinihikayat din ng CDRRMO ang publiko na huwag nang palabasin ang mga residente kung hindi naman kinakailangan dahil sa posibilidad na matangay ng rumaragasang agos ng tubig.

Aabot na sa 33 barangay sa Tuguegarao ang nalubog sa baha kung saan humigit kumulang 7,000 na mga indibidwal ang apektado. Ilan sa kanila ay pansamantala na munang nanunuluyan sa mga evacuation center. -VC

Related Articles