IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga sindikatong recruiter ng mga Pinoy para magtrabaho sa POGO sa Laos, hahabulin ng DMW, DOJ

Divine Paguntalan
204
Views

[post_view_count]

DMW Secretary Hans Leo Cacdac (Photo by Department of Migrant Workers)

Nagsanib-pwersa na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Justice (DOJ) upang sugpuin ang isang sindikato na nagre-recruit ng mga Pilipino para sa offshore gaming operations sa Laos.

Ang impormasyon ay nanggaling mula kay Philippine Ambassador to Laos Deena Joy Amatong.

Sa ngayon, nasa 160 Pinoy na dating biktima ng illegal recruitment process at agencies ang napabalik na ng bansa sa tulong ng inisyatiba ng DMW.

“At patuloy ang pagmamanman ng sitwasyon sa mga POGO workers. Mayroon pa kaming naiwan doon na mga POGO workers na tinutulungan pa rin nila Ambassador Amatong,” pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang media forum

Habang nag-aabang ng mga karagdagan pang impormasyon mula sa mga nakabalik na manggagawa, ang DMW ay nag-iipon pa ng mga detalye upang makilala ang mga recruiter na sangkot sa sindikato.

Isang mahalagang bahagi ng kanilang operasyon ay ang pakikipagtulungan sa DOJ para sa agarang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga nasa likod ng ilegal na recruitment.

“Sa bawat pag-uwi ng mga biktima, kinukunan namin sila ng pahayag upang makabuo ng solidong kaso laban sa mga recruiter. Agad naming ini-endorso ang mga natukoy na Philippine element sa DOJ para sa wastong proseso ng batas,” ani Cacdac.

“May tinukoy silang Philippine element or Philippine recruiter and na-sumbit natin kaagad. Ini-endorse natin kaagad sa DOJ for the appropriate filing of complaints sa piskalya,” dagdag niya. —VC