IBCTV13
www.ibctv13.com

Modernong transportasyon para sa mga Pilipino, ginawang prayoridad ng Marcos Jr. admin

Divine Paguntalan
202
Views

[post_view_count]

LRT-1 Cavite Extension Phase 1. (Photo from LRTA)

Tinutukan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusulong ng modernisasyon sa pampublikong transportasyon ngayong taon.

Nitong Nobyembre, pinasinayaan ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Phase 1 kung saan limang (5) bagong LRT station ang maaari nang magamit ng publiko — Redemptorist-ASEANA, Manila International Airport Road, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos.

Pinuri ni Pangulong Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga nagdaang Pangulo ng bansa dahil sa kanilang dedikasyon noon upang hindi mahinto ang konstruksyon ng nasabing proyekto.

“This project has been a long time coming—spanning five administrations, from President (Joseph) Estrada to President (Gloria Macapagal) Arroyo, President (Benigno) Aquino (Jr.), President (Rodrigo) Duterte, and now my own. We owe its success to the hard work of my predecessors, and we recognize their efforts in making this dream a reality,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Sa tulong ng proyekto, ang dating isang (1) oras at 10 minutong biyahe mula Metro Manila-Cavite at vice versa, ngayon ay 25 minuto na lamang.

Nadagdagan din ng 80,000 pasahero araw-araw ang naseserbisyuhan ng tren kaya naman inaasahan na mas gagaan pa ang daloy ng mga mananakay.

Samantala, nakatakda nang simulan ang Phase 2 at Phase 3 ng extension sa 2026 ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kasama sa bubuksan ang mga LRT Station sa Las Piñas, Zapote at Niog sa Bacoor, Cavite kung saan sa oras na matapos ang buong extension ay inaasahang mapakikinabangan ng karagdagang 300,000 pasahero bawat araw na malaking tulong para sa bigat ng trapiko sa Parañaque, Las Piñas at Cavite. – VC

Related Articles