IBCTV13
www.ibctv13.com

MRT-3, puspusan na ang paghahanda para sa Undas at Kapaskuhan

Mary Ann Tolentino, Hecyl Brojan
80
Views

[post_view_count]

MRT-3 to deploy six additional Dalian Trains this Year and remaining 39 expected to operate by 2026. (Photo from DOTr)

Naghahanda na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong darating na Undas at Kapaskuhan, kabilang ang mahigpit na seguridad sa mga istasyon at pagpapahusay ng serbisyo sa tren.

Tiniyak ni MRT-3 General Manager Michael Capati na magiging ligtas at maayos ang biyahe ng publiko, lalo na sa panahon ng peak travel.

Sa kasalukuyan, sumasailalim na sa commissioning at testing ang siyam na 4-car Dalian train sets na nakatakdang patakbuhin sa Disyembre upang makatulong sa dagsa ng mga pasahero.

Mas malaki ang kapasidad ng mga bagong tren na 1,576 pasahero bawat biyahe, kumpara sa kasalukuyang 3-car configuration.

Tiniyak naman ng pamunuan na ligtas at maayos gamitin ang mga Dalian trains matapos ang mahigit 10 taong pagsusuri kasabay ang regular na dynamic testing.

Inaasahan ding magagamit na sa taong 2026 ang natitirang 4-car Dalian train sets.

Samantala, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month, magbibigay ang MRT-3 ng libreng sakay sa Oktubre 26, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi, na inaasahang makatutulong sa humigit-kumulang 10,000 hanggang 20,000 pasahero. – VC

Related Articles

National

Veronica Corral

130
Views

National

Jaybee Santiago, Hecyl Brojan

92
Views

National

Earl Tobias, Hecyl Brojan

74
Views