IBCTV13
www.ibctv13.com

MRT-4 construction, target simulan sa 2026

Jerson Robles
94
Views

[post_view_count]

Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista (Screengrab from Bagong Pilipinas Ngayon)

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na target nang masimulan ang konstruksyon ng Manila Metro Rail Transit System-4 (MRT-4) line sa taong 2026.

Ibinahagi ni Sec. Bautista ang naging kaunduan ng DOTr kasama ang isang Spanish consultant at dalawang pribadong grupo para sa detalyadong engineering design ng naturang proyekto.

“Ang latest sa MRT-4 ay ginagawa na namin ‘yung detailed engineering design. We have engaged the services of a Spanish consultant preparing the detailed engineering design,” aniya.

Tiniyak din ni Bautista na hindi magiging isyu and right-of-way dahil itatayo ang MRT-4 sa kahabaan ng pangunahing kalsada ng Ortigas Ave.

Dagdag niya, nakuha na ang pondo mula sa Asian Development Bank (ADB) para sa railway project.

“Ang MRT-4 mayroon tayong commitment from ADB to support it. So as far as financing is concerned, nandiyan ang ADB,” pagtitiyak niya.

May habang 15.5 kilometro, ang MRT-4 ay inaasahang magdurugtong sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig, at mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal.

Sa oras na matapos, inaasahang 400,000 na pasahero araw-araw ang mapagsisilbihan ng tren upang solusyunan ang matinding problema sa trapiko at limitadong kapasidad ng kalsada sa mga mataong lugar ng silangang Metro Manila para sa mas pinabuting daloy ng transportasyon. – VC

Related Articles